Lahat tayo ay alipin ni Jollibee

Lahat tayo ay alipin ni Jollibee. Lagi kasi nating pinipilit maging bida ang saya sa lahat ng aspeto ng buhay at relasyon na mayroon tayo. Nagtatakda tayo ng standard o sukatan sa buhay ng kasiyahan. Bilang resulta, nagkaroon tayo ng confused thoughts. Sa halip na ang pagpipilian mo lang ay kung masaya ka o hindi, mayroon na ring naimbentong ‘medyo’ masaya lang.

Nahihirapan akong sukatin kung ano ang “medyo”, “sapat” o “sobrang” uri ng kasiyahan.

Kapag nag-Jollibee ka noong wala pang TRAIN o pagbabago sa taxation system ng Pilipinas, yun ba yung matatawag na sobrang saya? Kasi pakiramdam mo, sa Php 50.00 na halaga ng isang Jolly Spaghetti, masarap na, sulit pa sa bayad. Naka-aircon ka pa habang kumakain. Pwedeng ipa-more sauce and cheese. Pwede ka ring mag-request ng tubig.

Kapag naman nag-Jollibee ka sa loob ng airport noong wala pang TRAIN o pagbabago sa taxation system ng Pilipinas, yun ba yung matatawag na medyo masaya lang? Kasi medyo tumaas nang kaunti ang presyo ng pagkain pero parehong serbisyo ang makukuha mo. Naka-aircon ka pa rin. Pwede pa ring ipa-more sauce at pwede pa ring mag-request ng tubig. Yun nga lang, mas mahal dahil nasa loob ng airport. Yung tipong gusto mo sana sa EDSA na lang mag-Jollibee para mas mura at maging sobrang saya ka… pero para complete airport experience ay dun ka na kakain. Hahahah. Lalo na yung mga bagong dating sa bayang sinilangan… o mga first timer sa Jollibee.

Sapat na saya. Pakiramdam ko, ito yung adjustable ang ibig sabihin. Tingin ko rin, ito yung nararanasan ng lahat ngayon. Tipong lahat ng bilihin sa paligid mo ay nagtataasan ng presyo… tapos ikaw… mag-ja-Jollibee ka pa rin para sumaya nang sapat lang… kahit hirap na hirap na. Iniisip mo na lang na kada kagat ng burger ay napupuno ang happiness bar mo sa sukat na sapat na lang. Bawal sumobra kasi baka mapa-take out ka pa. Bawal mabawasan nang saya kasi ayaw mo naman pagsisihan yung pinangkain mo.

Nile-lebel mo na lang yung ibig sabihin ng sapat, sa lebel na tingin mong hindi ka talo at di ka makakaramdam ng pagsisisi.

Minsan din, kahit alam mong sapat lang, iniisip mo na lang na sobrang saya mo na.

Lahat tayo ay alipin ni Jollibee. Gusto natin laging bida ang saya… kaya kahit hindi na talaga tayo masaya sa nangyayari sa bansa natin, nag-a-adjust tayo lagi sa saya na tingin natin ay worth ng 1 piece chicken joy… na kinakain mo pa rin habang nasa Pilipinas ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s