Tag-ulan (sa puso ko)

Minahal kita
Noong panahong hindi ka pa pwedeng mahalin
Noong panahong handa ako
At malaya
Pero
Hindi ikaw.

Minahal kitang
Parang umaaraw habang may ulan.
Sigurado ako sa dalang hagupit
Ng bagyong dala ng aking pag-ibig…
Ngunit nasisiyahan ka sa liwanag at init.

Minahal kita
Noong naghahalo ang liwanag at dilim.
Ako ang bukang liwayway na sisikat
Ngunit gusto mo pala ng gabi
Para humilig sa kanyang balikat.

Minahal kita
Sa dahilang walang dahilan
Kahit sa malayo lang pagmasdan
Kahit hanggang bulong lang ang iyong pangalan
Kahit huwag nang tumila ang ulan…
Minamahal kita…

Dahil masaya na akong mahalin ka
Kahit mahal mo siya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s