Ayos lang talaga…

Ayos lang naman na mahuli
Ayos lang na hindi mo naabot ang pangarap mo
Ayos lang na walang natupad sa plano mo
Wala namang nagsabing
Hindi ka na mahalaga
O wala ka nang kuwenta
Kapag hindi mo nagawa ang mga nilagay mo sa plano
O kapag hindi nasunod ang kalendaryo
Ayos lang.
Huminga ka muna.

Mahirap patunayan sa mundo
Na naging matagumpay ka
Dahil iba-iba ang panukat
Ng mga mapanuring mata.
Kaya ayos lang
Kahit di pasado sa linya nila
Ang kinaya mo
Dahil ikaw yan.
Kakayahan mo yan.
Buhay mo ang pinag-uusapan.
Hindi kanila.

Hindi naman titigil ang mundo
Kung hindi mo matupad ang pangarap mo
O kung kinulang ang kakayanan mong gawin ang dapat
Nagsumikap ka
Ipinaglaban mo
At kahit talo ka,
Iikot pa rin ang mundo.
Kaya dapat ka ring tumayo agad
Para simulan ulit ang pagpapaikot ng mundo mo.
Tiyaga ang kadena,
Pangarap ang gasolina,
Ikaw ang makina…
At Diyos ang mapa.

Pumunta ka sa destinasyon
Sa sarili mong panahon.
Mahahanap mo rin
Ang dapat matagpuan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s