“, ? ! .”

Ikaw ang kuwit
sa mga panahong hirap ako at pabalik-balik,
sa mga oras na paulit-ulit
na hindi makabangon kahit magpumilit.
Ikaw ang hingahan,
ang pahingahan at tahanan.
Ikaw ang yumayakap
sa akin kahit panandalian.

Ikaw ang tandang pananong
na sinasamahan ako
sa mundong ‘di ko pa kabisado.
Kasabay ko sa pagkilala,
sa pagtuklas at pakikibaka.
Ikaw ang nauunang sumisilip
sa pagkakataong
takot akong managinip.
Tinutulak mo ako
na mangarap pa nang mas malayo.
Ikaw ang taga-tanong,
at ako ang estudyanteng natututo pa lamang sa mundo.

Ikaw ang tandang padamdam
na nasasaktan para sa akin.
Sa mga panahong pagluha lang
ang kaya kong gawin,
ikaw ang nagagalit,
ang sumisigaw at nagtatanggol.
Ikaw ang nagliligtas
sa puso kong
pananahimik lang
ang sandatang alam.

At kung matapos ang lahat
ng paglalakbay,
ikaw ang tuldok na tatapos
sa magulong damdamin—
Ang sumagot sa mga tanong
at kumalma sa mga padamdam
at samu’t saring damdaming hindi mapangalanan.
Ikaw ang tuldok
na ako mismo ang susulat
at pagkatapos noo’y
nakangiti kong isasara ang
pabalat ng librong
binuo nating dalawa.
Ikaw ang tuldok
sa wakas.
Sa wakas,
ako at ikaw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s