Tinatago ng Nanay ko ang Erythromycin sa Saging

Kulay pink. Malaki. Mapait.
Ganyan ko ilarawan ang tableta
Na pinipilit ipainom ni Mami sa akin
Noong madalas pang nagkaka-tonsilitis ako.

Kulay pink. Malaki. Mapait.
Ganyan ko rin ilarawan ang sumisilip
Na tableta na pilit ikinukubli sa hiwa ng saging
Tuwing ayaw kong sundin
Ang bilin na inumin na ang gamot.

Kulay pink—
Ang langit habang nakaupo tayo sa damuhan
Hinihintay ang tuluyang pagdilim ng kalawakan
Para masdan ang milyun-milyong bituwin
Na mag-uunahan pa tayong bilangin.

Malaki—
Ang kaya kong isakripisyo para lang makabalik sa oras at panahon
Na tanging sa damuhan lang ang ating mundo:
Payapa, hindi komplikado
Ikaw lang at ako…
Wala pa noong ‘kayo’.

Mapait—
Sa panlasa, pati sa mata…
Na makita kang kasama na siya.
Kayo na ang masaya.
May bago na kayong mundo.
Kayo na.
Kayo na!

Kaya siguro hinanda ako ng nanay ko noon…
Na inumin ang gamot kahit malaki
At kahit mapait
Kahit nakakaiyak sa lalamunan…
Dahil darating pala ang araw
Na kailangan ko ring lunukin
At tanggapin na lang
Ang mapait na sinapit
Ng matamis sana nating pag-ibig…

Kulay pink—
Ang langit habang mag-isa akong nakaupo sa damuhan
Naghihintay ng pagdilim ng kalawakan
At pilit tinatanggap ang katotohanan…

Gagaling din ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s