Blangko

May mga panahong
Mas madalas pa sa bilang na sandali
Na walang imik ang isip
At walang dagundong ang dibdib
Walang salitang naririnig
Kahit pakapakinggan at manginig
Walang lumalabas
Walang ilalabas
Kahit piliting bumuo ng eksena
O kuwentong pagsisimulan
Ng pag-angat ng telon
Sa aking imahinasyon

Tahimik
Ang lahat
Bakante
Ang lahat
ng upuan
Walang aktor
Sa entablado
Walang kwento.
Blangko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s