Bahala na. Hayaan na.

Pipi akong nagmamahal
Sa malayong sulok ng iyong mundo.
Hindi ko alam kung napansin mo
Na nandito ako.
Pero bahala na.
Hayaan na.

Sa mga salitang di ko maisatinig,
Naiipon ang pananabik
Na sana ako na lang ang kayakap mo…
Sana ako na lang ang kasama mo.
Sana…
Pero bahala na.
Hayaan na.

Kung paano ka ngumiti sa kanya
Habang hawak mo ang kamay niyang
sinuotan mo na ng markang habambuhay ninyong dalawa,
Ay naroon ako sa sulok
at ngumingiti para sa kaligayahan mo…
Ngunit nasasaktan para sa sarili ko.
Sa bawat yapos niya sa’yo
At sa bawat halik mo sa kanya
Ay pipi akong humihiling
Na sana ay mawalan na rin ng paningin
Para hindi ko makita
Kung gaano kayo kasaya…
At kung bakit kayo inilaan para sa isa’t isa.
Pero bahala na.
Hayaan na.

Hayaan na lang na manood ako sa gilid.
Bahala na kung masaktan ako nang paulit-ulit.
Hayaan na lang na lunurin ako ng sakit
Para masabi ko sa sariling…

Bahala na.
Hayaan na.
Masaya naman na siya.

Bahala na.
Hayaan na.
May nakalaan naman siguro sa akin
Na magiging akin talaga.

2 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s