Hindi Ako


Huwag kang magalit.
Hindi mo kailangang awayin ako
O hilahin ang lahat ng buhok ko sa ulo…
Dahil mahal ka niya.

Kahit nandito ako
At nakaharang sa pagitan ninyo…
Kahit takpan ko ang mata niya para akin lang siya…
Mahal ka niya.

Magbanta man ako na iiwan siya
O manakot na aalis kapag pinili ka niya,
Walang silbi lahat ng salita…
Dahil ikaw ang mahal niya.

Huwag kang umiyak
O magmakaawang balikan ka…
Sigurado akong babalik siya…
Dahil ikaw ang mahal niya.

Sumingit lang ako noong nawala ka.
Sandali kong pinahid ang luha niya.
At binigyan siya ng bagong simula…
Pinahiram ko siya ng ngiti kong
isinalubong niya sa’yo nang dumating ka ulit…

Kaya huwag kang mag-alala.
Hindi ako naging hadlang.
Hindi ako magiging karibal
O kahati sa pagmamahal…

Dahil ikaw ang mahal niya.

—-
PS: Pahiram lang ng feelings sa kung sinuman ang ganito ang nararamdaman. 💔

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s