[Hindi na] Ikaw Ang Itinatangi

Siguro kinukulang na ng saysay
Ang mga salitang binabaybay
Kaya wala nang masabi,
Wala nang namumutawi sa labi.

Noong una, nilalarawan kita,
Bilang pagsikat ng araw sa umaga:
Dahilan ng paggising, nagbibigay liwanag sa dilim,
Galak sa puso kong naninimdim.

Noong umalis ka, nilalarawan kita,
Sa hagupit ng ulan at hanging nagwawala:
Magandang alaala ngunit masakit.
Ikaw ‘yung nanakit na gusto ko pa rin sanang bumalik.

Makailang ulit nang lumubog at lumitaw,
sumikat at nagdaan ang araw…
Sa pagtatanong ko nang paulit-ulit
Ay nawalan na ng halaga ang sagot sa “bakit”.

Sa tagal ng iyong pagkawala,
Nalipasan na ang pusong minsang nangulila.
Hindi na masakit, wala na’ng pait.
Parang natahi nang kusa ang pusong napunit.

Kaya siguro ngayon,
Tuwing gagawa ng tulang sa’yo nakaayon,

Wala nang masabi…
Dahil hindi na ikaw ang itinatangi.

2 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s