Magtanong

Magtanong.

‘Yan ang dahilan kung bakit madalas akong magbasa

O humanap nang maraming ebidensya—

Gusto kong magtanong kung bakit kahit na madalas akong masaktan

Ay pinipili pa rin ng puso kong magmahal, umibig, at paulit-ulit na masugatan.

Parang tanga lang.

Masokista sa sakit.

Tatawa sa umaga. Iiyak ‘pag pikit.

Kahit na alam kong ang ending ng lahat ng ito

Ay malaking butas sa puso ko

At malaking puwang dahil iiwanan na naman ako…

Hala, sige. Walang takot pa ring pipila

Para umibig.

Isang araw, naisip ko

Kaya siguro bata pa lang ako, tinuruan na akong magtiyaga sa pagdadala ng bag na de-sukbit

Kahit inggit na inggit ako noon sa mga kaklase kong de-hila ang gamit

Siguro…

Para malaman ko na kahit hirap ako sa bigat ng mga dala kong notebook at libro

May matututunan ako mula doon sa mga librong dala ko.

Kaya sigiro bata pa lang ako, sinanay na ako ng nanay ko

Na hindi lahat nang mabigat dalhin ay dapat bitiwan o dapat iwanan

Kasi pala minsan, may aral na makukuha mula sa bagay na pinagtitiisan.

Natuto akong magtiis na magbitbit nang mabigat.

Lumaki akong may tapang at lakas na sapat.

Hindi ako magrereklamo. Kakayanin ko lahat.

Kaya naman ngayon, kahit mas madaling mamuhay na lang mag-isa

O mas madaling bitiwan at iwanan ang mga taong mabigat kong dala

Pinipili ko pa ring bitbitin

Pinipilit dalhin

Dahil bukod sa may aral silang dala, o kahit sila mismo ang nakakadala

Eh may nararamdaman pa rin akong saya…

Sayang dulot ng “Masaya sila kaya masaya na rin ako.”

“Magiging masaya pa rin ako kahit masaya sila sa dahilang hindi na ako.”

Kahit masakit na sa puso na tumatagos kung saan-saang parte ng katawan,

Kahit na mabigat sa pakiramdamam kapag alam mong malapit na naman silang mang-iwan…

Pinipili ko pa rin.

Parang tanga lang.

Masokista sa sakit.

Tatawa sa umaga. Iiyak ‘pag pikit.

Magtanong.

‘Yan ang dahilan kung bakit madalas akong magbasa

O humanap nang maraming ebidensya—

Gusto kong magtanong kung bakit kahit na madalas akong masaktan

Ay pinipili pa rin ng puso kong magmahal, umibig, at paulit-ulit na masugatan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s