Magsimula ka ng bagong buhay

Magsimula ka ng bagong buhay.

Yung hindi ka na iiyak o tutulala
Tuwing may nakikita kang alaala.
Yung hindi ka na hahawak sa tapat ng puso
Para sabihing, “All is well. Kaya natin ‘to.”
Yung hindi ka na tatawa
Para lang itagong malungkot ka talaga.
Yung hindi ka magda-dark shades
Dahil namaga kaka-internalize ng linyang “Everything fades.”

Magsimula ka ng bagong buhay.

Yung hindi na titirik ang mata mo
Kapag may mag-jowa sa harap o sa tabi mo.
Yung hindi mo ibubulong na “Magbe-break din kayo!”
Kundi, “Sana kayong dalawa na talaga, ‘no?”
Yung hindi ka gigising sa umaga nang masaya
Para lang matakot na nananaginip ka lang pala.
Yung hindi ka na gagawa ng heartbreak playlist sa Spotify
Kundi lalabas ka, magpapaaraw at magpapa-beautify.

Magsimula ka ng bagong buhay.

Yung ngingiti ka talaga kahit mag-isa ka pa…
Yung maluwag ang paghinga kahit maalala mo sila…
Yung mas pagbubutihin mo ang sarili mo PARA sa sarili mo at hindi para sa iba…
Yung ipagdarasal mong magmamahal ka pa rin kahit noon ay nasaktan ka na…

Magbagong buhay ka para sa’yo
At hindi para sa ibang tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s