Magulo sa lungkot sa walang patutunguhan

Tuwing nalulungkot na lang ba
Maaaring makasulat ng tula
O makagawa ng kanta
At makahabi ng musika?
Kapag ang puso ay masakit
O may inaalalang saglit,
Saka lang ba aawit
Ang mga ibon sa langit?
Saka lang ba bubukas ang ulap
Para tuparin ang iyong mga pangarap?
Saka lang ba ibibigay
Ang hinihiling mong patunbay?

Kapag hirap na hirap ka na
At parang sumasara ang pinto ng pag-asa
Kapag nandidilim ang araw
Saka lang ba puwedeng sumigaw?
“Tulong! Tulong! Tulungan mo ako!”
Madalas kang sumigaw pero bingi ang mundo.
Ubos ka na, manhid na ang mata
Pero bulag ang lahat ng sa’yo’y nakakakita.
Malungkot ka pero malaking palaisipan
Kung bakit at ano ang dahilan.
Bibigay ka na
Pero nahihiya kang tumawag ng kakilala
Para samahan ka, damayan ka
Dahil ayaw mong maging pabigat sa araw nila.
Sinubukan mong humingi pa
Ng isa pang tulong mula sa kanila.
Pero nanatiling nakapikit.
Nanatiling bingi sa iyong paglapit.
Kaya naman lalayo ka na lang.
Sasarilinin ang bigat na nararamdaman.
“Okay lang ako” kahit hindi naman.
Titiisin kahit kaunti na lang.

May gusto akong sabihin
Bago ko simulang tipahin
Ang naiisip at laman ng damdamin.
Pero aabot na sa dulo
Ni wala pa ring direksyon o sentro
Ang tulang pinipilit gawing kuwento
Kung paanong walang patutunguhan ito
O kung bakit sa lungkot ang titulo…

Basta alam ko lang, magulo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s